Friday, September 16, 2005

Los Angeles Pampanga in Translation (Lost in Translation)

Luna: Mudra nakakawarla! Na-Julie Vega si Mars Ferdie na naglu-Lucy Torres ng mamahaling shumit sa Glory Hole! Eto pah! Na-Lucrecia Kasilag daw ang mga gwardiya sibil sa kahahabol sa lolah Ferdie! Knows mo ba kung SanSan cosmetics na-Julie Vega ang lolah mo? Sa Sharon Kubetah ng mga girlash! Grabe!

Mena:
Ay naku! Yang lolah mo naman eh. Sobrang Kate Gomez ng mga fingerlings! Kung kelan nagpaalam lahat ng hairlalu niya sa Anita Linda nya, tsaka naman nagkalat sa Smokey Mountain! Kita mo, Luz Valdes and beauty niya ngayon.

Luna: Hoy lolah! Tama na nga ang chika natin. Baka ma-Carmi Martin pa tayo nyan!

Mena:
Shurlalu! Tuloy ang paghada!

Translation (Filipino)

Luna: Grabe! Nahuli raw si Kumareng Ferdie na nag-shoshoplift ng mamahaling damit sa Glorietta! Ito pa. Nahirapan daw ang mga gwardiya sa paghuli sa kanya! Alam mo ba kung saan siya nahuli? Sa CR ng mga babae. Grabe!

Mena: Ay naku. Yang kaibigan mo na ‘yan. Sobrang kati talaga ng kamay. Kung kelan nakalbo, tsaka naman gumagawa ng iskandalo. Kita mo, sya tuloy ang talo ngayon.

Luna:
Hoy! Wag na nga natin siyang pag-usapan. Baka makarma pa tayo nyan!

Mena:
Oo nga! Mamasyal na nga lang tayo ulit!

Translation (English)

Luna: Oh my god! Our friend Ferdie got caught shoplifting expensive clothes at Glorietta! And boy! He gave the guards a hard time catching him! You know where they caught him? At the ladies room. Shit!

Mena: Oh well. That friend of yours is such a klepto! And he starts doing all these crazy stuff now that he’s old. He’s such a loser.

Luna: Let’s just not gossip about him. I don’t want any of these badmouthing to get back to us.

Mena: Yeah. Come on, let’s go around.

No comments: