Thursday, July 28, 2005

Sa Dila ng Aking mga Mata

Mula sa singit ng saradong bintana
sa init ng araw ng Linggo ng katanghalian
pinagmamasdan kita, sinusubaybayan
hinuhubaran sa tingin, niyayapos sa hangin
katawan mong singkinis ng sariwang mangga
tingin pa lang nalalasap ko na, angking tamis ng iyong bunga
sa dila ng aking mga mata, tinikman kita
habang kamay ko nama'y malayang gumala
sa katawan kong mainit at basa
konting buhos mo na lang
ilang hilod mo na lang
maaabot ko na
prutas na mangga mong malasutla

No comments: